ABS-CBN NAGTALA NG MGA BAGONG DIGITAL RECORDS SA YOUTUBE, FACEBOOK, TIKTOK, INSTAGRAM AT X



Patuloy na pinatutunayan ng ABS-CBN Entertainment ang kanilang lakas sa digital platforms matapos magtala ng panibagong record sa social media sa Pilipinas at buong Southeast Asia. Batay sa pinakahuling datos, nananatiling nangunguna ang Kapamilya network pagdating sa online reach, views, at engagement sa iba’t ibang social media platforms.


Sa YouTube, kinilala ang ABS-CBN Entertainment bilang No. 1 sa Pilipinas at Southeast Asia, na may higit 54.5 million subscribers, 72.4 billion views, at 526 million engagements sa 2025, ayon sa datos mula sa Tubular at YouTube Analytics. Ipinapakita nito ang patuloy na suporta ng mga manonood sa digital content ng Kapamilya network kahit sa online platforms.

Sa Facebook naman, hawak ng mga ABS-CBN pages ang rekord bilang Most Followed Philippine Media on Facebook, na may kabuuang 300 million followers hanggang Enero 23, 2026. Ito ang pinakamalaking bilang ng followers para sa isang media organization sa bansa.

Hindi rin nagpahuli ang ABS-CBN sa TikTok kung saan kinilala ang ABS-CBN Entertainment bilang No. 1 sa entertainment genre, na may 12.8 million followers, patunay na patok pa rin ang kanilang content sa mas batang audience at sa mabilis na lumalaking short-video platform.

Sa Instagram, muling nanguna ang ABS-CBN matapos maging Most Viewed Philippine Media noong December 2025, na umabot sa 85.3 million views sa loob lamang ng isang buwan.

Samantala sa X (dating Twitter), nananatiling lider ang ABS-CBN News bilang Most Followed Philippine Media, na may 9 million followers hanggang December 2025, na nagpapakita ng tiwala ng publiko sa kanilang balita at impormasyon.

Sa kabila ng mga pagbabago sa industriya ng broadcast, malinaw na nananatiling malakas ang presensya ng ABS-CBN sa digital world. Patunay ito na kahit sa online platforms, Kapamilya pa rin ang nangunguna.

No comments:

Post a Comment