Nagbigay ng pabirong komento si Megastar Sharon Cuneta kay Pangulong Bongbong Marcos matapos ang kanyang performance sa “Evening with the Stars” event na ginanap sa Intramuros, Manila noong Huwebes, February 12, 2026.
Habang nasa entablado, nabanggit ni Sharon ang kanyang kasama sa gabing iyon na si Senador Kiko Pangilinan, at pabirong sinabi, “Sir, I have only one vice president there oh. My date tonight. Mali your choice, ‘no?’” Matapos ang biro ay agad din niyang dinugtungan ng, “Sorry, okay, okay, okay, let’s move on,” na ikinatawa ng mga dumalo sa event.
Ang naturang pahayag ay itinuring ng marami bilang light banter o biruan lamang sa gitna ng masayang programa, lalo’t kilala si Sharon sa pagiging prangka at palabiro sa publiko. Wala namang opisyal na reaksyon mula sa Malacañang kaugnay ng naturang biro.
Sa kabila ng pagiging playful ng kanyang komento, naging usap-usapan ito sa social media, kung saan iba’t iba ang naging reaksyon ng netizens—may natawa, may nagbigay ng opinyon, at may nagsabing bahagi lamang ito ng entertainment moment sa isang showbiz event.
No comments:
Post a Comment