Ngayong January 1, 2026, opisyal nang nagtatapos ang pagpapalabas ng lahat ng Kapamilya programs sa TV5, matapos ang mahigit apat na taon ng pagpapatuloy ng network sa ABS-CBN content.
Patuloy pa rin namang mapapanood ang inyong mga paboritong ABS-CBN shows sa iba’t ibang platform tulad ng iWant, TFC (The Filipino Channel), A2Z, ALLTV, at sa streaming services gaya ng Netflix, Prime Video, at YouTube via Kapamilya Online Live.
Bukod dito, patuloy rin ang pagpapalabas ng ilang programa sa ibang network: makikita pa rin sa GMA Network ang Pinoy Big Brother ABS-CBN at It's Showtime.
“Salamat, Kapatid, sa mahigit apat na taon ng inyong suporta sa Kapamilya programs,” ang pasasalamat ng network sa kanilang manonood.
No comments:
Post a Comment