Isinailalim sa medical observation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Miyerkoles ng gabi matapos makaranas ng hindi magandang pakiramdam.
Kinumpirma ito ni Palace Press Officer na si Claire Castro sa isang press briefing nitong Huwebes, Enero 22. Ayon kay Castro, “The President spent the night under medical observation as a precautionary measure after experiencing discomfort.”
Dagdag pa niya, pinayuhan umano ng mga doktor ang Pangulo na magpahinga at manatili muna sa ilalim ng obserbasyon. “His doctors advised rest and monitoring, and his condition remains stable,” ani Castro, na tiniyak na walang dapat ipangamba ang publiko sa kalagayan ng Pangulo.
Samantala, iginiit din ni Castro na kahit nasa medical observation ay patuloy pa ring ginagampanan ni Pangulong Marcos ang kanyang mga tungkulin. Ayon sa Palasyo, nakabalik na rin siya sa MalacaƱang Palace at nagpapatuloy ang kanyang trabaho bilang Pangulo ng bansa.
No comments:
Post a Comment