Malacañang, sinisimulan na ang masusing review ng 2026 national budget

 

Sinimulan na ng Malacañang ang masusing pagsusuri sa niratipikahang 2026 General Appropriations Bill (GAB) upang matiyak ang integridad at maayos na pagpapatupad nito sa susunod na taon.


Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Ralph Recto matapos matanggap ng Palasyo nitong Lunes ang enrolled bill ng panukalang pambansang badyet.


Ayon kay Recto, personal nang sinusuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama ang kanyang economic team, ang lahat ng alokasyon at probisyon ng budget upang matukoy kung may mga pagbabagong isinagawa kumpara sa orihinal na National Expenditure Program (NEP).


“The Executive branch is now conducting a thorough review to ensure its integrity and effective execution,” ani Recto.


Dagdag niya, inaasahang aabutin ng humigit-kumulang isang linggo ang pagsusuri upang matiyak na ang 2026 national budget ay sumusunod sa mga legal at teknikal na rekisito at tunay na tumutugon sa pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

No comments:

Post a Comment