Hindi na napigilan ng talent manager at host na si Ogie Diaz ang kanyang reaksyon sa patuloy na pagkalat ng mga blind item sa showbiz, partikular na ang usap-usapang “power couple” na umano’y papunta na sa hiwalayan dahil sa isyu ng pagloloko.
Sa kanyang Facebook My Story, ibinahagi ni Ogie ang pagkabigla sa kung gaano ka-invested ang publiko sa paghuhula kung sino ang tinutukoy sa blind item—isang kilalang showbiz couple na tila perpekto sa paningin ng publiko, ngunit kabaligtaran umano sa totoong buhay.
“Madlang pipol! Grabe nang invested ng mga tao ngayon kung sino yung ‘Power Couple!’” ani Ogie.
Ngunit mas ikinagulat ng marami ang kanyang kasunod na hirit nang magbanggit siya ng panibagong blind item na mas lalong nagpa-init sa usapan:
“Di ko na talaga kakayanin, mga kuya, pag may blind item namang lumabas na ‘isang kilalang gwapong aktor na heartthrob, di pa tule!’ Kinang inang ‘yan!”
Wala namang ibinigay na karagdagang detalye si Ogie tungkol sa tinutukoy na male celebrity, ngunit mabilis pa ring kumalat ang sari-saring hula ng mga netizens sa social media.
Para naman sa mga nagtatanong tungkol sa naunang blind item ukol sa power couple, ito ay unang lumabas sa column na “Inside the Metro” noong January 6, 2026, na may pamagat na “Is this the end of a power couple’s fairy tale?”
Bahagi ng artikulo ang nagsasabing:
“From the outside, they are the definition of perfection—a showbiz power couple admired for their looks, flawless image, and undeniable success in their respective fields. Red carpets, brand deals, and carefully curated smiles have convinced the public that they have it all.”
Hanggang sa ngayon, nananatiling blind item ang parehong isyu, at wala pang kumpirmasyon mula sa sinumang personalidad na posibleng sangkot.
No comments:
Post a Comment