ABS-CBN - In the Service of the Filipino People

 



Ang aral na malinaw kong natutunan mula sa pagpapasara ng ABS-CBN ay ito: ang nagpapakumbaba ang siyang inaangat. 


Sa kabila ng matinding bashing, paninira, at walang humpay na pagkalat ng fake news laban sa kanila, pinili ng network na manahimik, magpakumbaba, at magpatuloy sa kanilang tunay na layunin—ang maglingkod sa sambayanang Pilipino.


Hindi sila gumanti, hindi sila nagtanim ng galit, at lalong hindi sila namili kung sino ang tutulungan. Ano man ang paniniwala mo—DDS ka man o hindi—kung ikaw ay Pilipino at nangangailangan, nariyan sila. 


Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa, hindi nawala ang diwa ng serbisyo publiko. Maaaring nagbago ang anyo ng kanilang operasyon, ngunit nanatili ang layunin: maghatid ng makabuluhang balita, tumulong sa oras ng sakuna, at maging tinig ng bayan.


Makaraan ang anim na taon, malinaw na ang bunga. Habang patuloy na bumabangon, lumalawak, at muling tumitindig ang ABS-CBN, unti-unti namang nahaharap sa pagbagsak ang mga personalidad at puwersang kaugnay ng pagpapasara nito.


Hindi nakakalimot ang kasaysayan. Dahan-dahang lumilitaw ang katotohanan, at tila unti-unti ring naniningil ang karma—isang paalala na walang kapangyarihang permanente, at walang sinuman ang higit sa pananagutan.


No comments:

Post a Comment