Very hectic ang schedule ng mga bagong artists at talents ng Kapatid Network dahil in full swing na ang kanilang kaliwa’t kanang tapings para sa mga bago, de-kalibre, at de-kalidad na programa ngayong taon.
Isa sa pinaka-aabangan ay ang Philippine medical drama adaptation ng The Good Doctor—at ang bibida rito ay walang iba kundi si Iñigo Pascual, isang mahusay na aktor, singer, at songwriter.
Hindi na nakakagulat ang galing ni Iñigo dahil tila nasa dugo na ang husay sa pag-arte, talino, at talento—bilang anak ng Kapamilya at Kapatid star na Piolo Pascual, may mana rin itong charm at appeal sa audience.
About the Series
Iikot ang kwento ng The Good Doctor sa sari-saring medical cases at kung paano haharapin ng bida ang mga pagsubok sa kanyang personal at propesyunal na buhay. Mayroon siyang medical condition, ngunit isa siyang henyo pagdating sa medical science—isang katotohanang magdudulot ng maraming tanong at agam-agam tungkol sa kanyang kakayahan at personalidad.
Swak na swak ang role kay Iñigo Pascual dahil sa kanyang acting flexibility at kakayahang magdala ng complex characters. Hindi raw naging madali ang pagpili sa bubida sa serye dahil sinuri at binusisi ng producers kung sino ang karapat-dapat na maging Filipino version ng karakter.
A Big Win for TV5
Nakatutuwa ring isipin na ang Kapatid Network ang pinagkatiwalaang gumawa ng Philippine adaptation ng The Good Doctor dahil na rin sa track record ng TV5 sa produksyon — sinamahan pa ng bagsik ng MQuest Ventures at mga partners nito.
Tunay ngang paganda nang paganda ang mga programming offerings ng Kapatid Network, at sa pagpasok ng The Good Doctor, mukhang mas lalong iinit ang kompetisyon sa primetime.
Abangan! 💉📺🔥
No comments:
Post a Comment