Eugene Domingo, ‘di pinagsisisihan ang “eight years” sa kolehiyo: “Gusto ko lang makatapos nang may diploma”

 


Actress-comedian Eugene Domingo looked back on her college journey, saying she has no regrets spending eight years in university just to finish her degree.


Sa kanyang unang vlog sa bagong YouTube channel na inilabas nitong Biyernes, Enero 24, sinagot ni Domingo ang ilan sa pinaka-search na tanong tungkol sa kanya, kabilang na ang tungkol sa kanyang edukasyon.

“Kung meron akong desisyon sa buhay na never kong pinagsisihan, ‘yun ang tinapos ko ‘yung education ko,” ani Domingo.

Tinapos niya ang Bachelor of Arts in Theater Arts sa University of the Philippines–Diliman, at pabirong sinabi na nag-“overstay” siya dahil “ang sarap sa university.” Inamin din niyang nag-aral muna siya sa Polytechnic University of the Philippines ng isang taon.

“Mahilig talaga ako sa state university. Ayoko talagang gumastos masyado ‘pag nag-aaral lalo na nung college kasi wala naman talaga akong pambayad. Gusto ko lang talagang makatapos ng kolehiyo nang may diploma,” sabi niya.

Tinalakay rin ni Domingo ang tungkol sa kanyang married life sa Italian film critic na si Danilo Bottoni, at nangakong magbabahagi pa tungkol dito sa mga susunod niyang vlogs.

Kamakailan ay bumida si Domingo sa 2024 MMFF entry na “And the Breadwinner Is…” kasama sina Vice Ganda, Gladys Reyes, at Jhong Hilario. Kasama rin siya sa cast ng paparating na Philippine staging ng Stephen Sondheim musical na “Into the Woods.”

No comments:

Post a Comment