Nagbabalik ang usap-usapan kung napapagod na nga ba si Vice Ganda o may ibang commitments kaya maaari siyang mawala pansamantala sa Kapamilya noontime show na It’s Showtime.
Ayon sa ilang ulat, maaaring absent si Vice Ganda ng mahigit tatlong buwan, kaya naman pinag-iisipan ng production team kung sino ang maaaring humalili sa kanya habang siya ay nasa bakasyon.
Pinaniniwalaang ang top choices ay sina Ai-Ai Delas Alas at Pokwang, dahil pareho silang may kakayahang magdala ng magandang chemistry at kasiyahan sa programa.
May mga iba pang pangalan ring lumulutang bilang posibleng kapalit, ngunit sa ngayon, ang dalawang komedyante ang pangunahing pinagpipilian.
Abangan sa mga susunod na araw ang opisyal na announcement kung matutuloy nga ang pagbabakasyon ni Vice Ganda at sino ang pansamantalang hahalili sa kanya sa It’s Showtime.
No comments:
Post a Comment