Tunay na bright and clear ang hinaharap ng career ni Sue Ramirez sa ilalim ng pangangalaga ng TV5. Nakakatuwang isipin na agad siyang nailagay sa malalaking proyekto, hindi tulad noon na madalas ay parang dumaraan lamang sa kamera sa kanyang dating network.
Batid ng TV5 ang tunay na halaga ng bawat talento—maging artista man o nasa likod ng kamera. Higit sa lahat, napatunayan ni Sue Ramirez na kaya niyang gumanap sa lead at major roles, mga oportunidad na bihira niyang maranasan noon.
Patunay rito ang kanyang pagganap bilang isang major character sa fantaseryeng “The Kingdom: Magkabilang Mundo,” isang proyektong inaasahang gagawa ng ingay at tututukan sa mundo ng telebisyon.
Iba talaga ang TV5 sa pagkilatis ng talento—maingat, patas, at nagbibigay ng tamang pagkakataon upang makagawa ng papel na tatatak sa mga manonood. Sa wakas, mas marami na tayong mapagpipiliang palabas, at panahon na ring buwagin ang matagal nang monopolyo sa broadcasting.
Hindi tama na iisa ang uri ng programang napapanood sa iba’t ibang channel. Bilang mga manonood, karapatan nating magkaroon ng pagpipilian—mga programang akma sa ating panlasa, hindi yaong idinidikta lamang sa atin.
Tunay ngang, “Goodbyes are meant to be beautiful.”
No comments:
Post a Comment