NET TRUST RATINGS NINA PBBM AT VP SARA, LUMABAS SA LATEST SWS SURVEY

 



Bumaba sa –3 ang net trust rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Nobyembre, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).


Hindi ito ang unang pagkakataon na naging negatibo ang trust rating ng Pangulo. Nauna na itong nangyari noong Marso, Abril, at Mayo, kasabay ng umiinit na kampanya para sa 2025 elections.


Samantala, tumaas naman sa +31 ang net trust rating ni Vice President Sara Duterte, base sa parehong survey.


Isinagawa ang survey noong Nobyembre 24 hanggang 30 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents sa buong bansa. Ang pag-aaral ay kinomisyon ng Stratbase Consultancy.


Ayon kay Stratbase Institute President Dindo Manhit, nakaapekto sa pananaw ng publiko ang usapin ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno, partikular kaugnay ng flood control scandal.


“Filipinos are clearly connecting corruption to governance failure and to the real human costs experienced during repeated flooding,” pahayag ni Manhit.

No comments:

Post a Comment