Opisyal nang mapapanood ng mga Pilipino ang Kapatid Channel (Channel 15)—ang bagong destinasyon para sa balita at aliwang hatid ng pamilyang Kapatid.
Sa Kapatid Channel, maaaring tumutok ang viewers sa live news at entertainment programs gaya ng Gud Morning Kapatid, Eat Bulaga, Una sa Lahat, Frontline Pilipinas, Vibe Up, at Vibe Nights. Tampok din dito ang mga paboritong palabas na patuloy na sinusubaybayan ng maraming manonood tulad ng From Helen’s Kitchen, Niña Niño, Face to Face, at marami pang iba.
Layunin ng Kapatid Channel na pagsama-samahin ang mga kuwentong tumatatak sa puso ng Pilipino—mula sa makabuluhang balita hanggang sa programang nagbibigay-saya at inspirasyon sa araw-araw.
📺 Available ang Kapatid Channel (Ch. 15) sa lahat ng active Cignal Postpaid at Prepaid subscribers.
Tumok na at samahan ang buong pamilya sa mga kuwentong tunay na maituturing na Kapatid.
No comments:
Post a Comment