Kung may award ang “pinaka-unexpected na hand gesture sa isang government hearing,” malamang si Sarah Discaya na ang grand winner.
Noong Setyembre 27, muling humarap si Discaya sa DOJ kasama ang kanyang asawa para sa kasong may kinalaman sa flood control projects. Dala nila ang mga dokumentong parang susi sa malaking corruption puzzle ng bansa. Pero guess what? Hindi ang ebidensya ang trending, kundi ang finger heart niya sa camera.
Finger Heart > Flood Control
Imagine this: tinatanong ka kung kumusta ka habang iniimbestigahan ka sa isang multi-billion peso controversy, tapos imbes na sagutin, finger heart. Para bang sinabihan ka ng teacher na mag-explain ng homework mo at ang sagot mo ay TikTok dance.
Netizens: “Stress pa kami kaysa sa kanya!”
Natural, umulan ng reactions online:
-
“Parang hindi siya affected no? Kami na taxpayers, mas stressed pa.”
-
“Andaming nalunod sa kawalan ng flood control, pero ‘yung witness nag-‘saranghaeyo’ lang.”
May isa pang nag-comment na baka raw nadala na siya ng oppa energy mula sa witness protection program. (Pwede na rin siyang mag-debut sa K-drama: Whistleblower in Love.)
Defense Mode: Cute o Clueless?
May ilan ding nagsabi na baka simpleng paraan lang ni Sarah para ipakitang “okay siya.” Pero para sa marami, hindi ito ang tamang oras para magpa-cute. Finger heart habang umiiyak ang bayan? Hindi bagay.
Public Role o Public Show?
Ayon sa mga ulat, malaki ang papel na gagampanan ni Sarah sa paglalantad ng mga anomalya. Ang tanong lang ngayon ng taumbayan: seryosong whistleblower ba siya, o auditionee sa bagong reality show?
💡 Kung iisipin, baka mas effective pa kung peace sign ang ginawa niya—at least may symbolism. Pero finger heart sa DOJ? That’s peak Pinoy politics meets K-pop fan service.
No comments:
Post a Comment