Present sa Previous Fashion Week, Pero Absent sa Rally Kontra Korapsyon?

 



Hindi nakaligtas sa mata ng publiko ang hindi pagdalo ni Heart Evangelista sa “Trillion Peso March” na ginanap noong Setyembre 21 sa People Power Monument sa EDSA. Isa siya sa mga inaasahang makikibahagi sa protesta kontra korapsyon, ngunit napansin agad ng mga netizen ang kanyang pagkawala.


Dalawang araw matapos ang naturang pagtitipon, nagsalita na si Heart sa pamamagitan ng isang Instagram Live. Doon, diretsahan niyang ipinaliwanag kung bakit pinili niyang manatili sa bahay sa halip na makiisa sa kilos-protesta.


Ayon kay Heart, tumanggap siya ng seryosong pagbabanta bago ang rally. Isa sa mga pinaka-nakapanlulumong komento raw ang nagsasabing “huhubaran siya” kapag pumunta siya sa pagtitipon.

“I’m not in the rally is because you said — a lot of people said — na huhubaran n’yo ako kung pupunta ako sa rally. How cruel can you be? What did I do? I have been nothing but a hardworking citizen,” ani Heart, halatang emosyonal.

Dagdag pa niya, wala siyang ibang hangad kundi maging ligtas. Hindi raw siya naiiba sa ibang Pilipino na may nararamdamang sama ng loob sa estado ng bansa.


Hindi rin napigilan ni Heart na ipahayag ang kanyang damdamin sa mga kumukwestyon sa kanya.

“You think I don’t have a burning flame in my heart? That I feel like I have a lump in my throat? I have so many things to say because it is unfair,” giit niya.

Bagamat hindi siya pisikal na nakadalo, tiniyak ng aktres na buo ang kanyang pakikiisa sa mga Pilipinong naninindigan laban sa katiwalian.


Sa dulo ng kanyang live, nagpaabot si Heart ng panalangin para sa mga lider ng bansa at sa lahat ng Pilipino:

“I am praying for us all sana gabayan ni Lord ‘yung mga nakaupo para gawin nila kung ano ‘yung tama… do not stay silent, speak up.”


Si Heart ay asawa ni dating Senate President at kasalukuyang Sorsogon Governor Chiz Escudero. Dahil dito, mas lalo siyang naging sentro ng usapan online, lalo na’t ang kanyang pangalan ay madalas iugnay sa usaping pulitika.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive