Patok pa rin sa fans ang samahan ng Pamilya de Guzman (PDG) mula sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kaya’t marami ang natuwa nang kumalat ang balitang posibleng magsama-sama silang muli sa pelikula ni Vice Ganda para sa Metro Manila Film Festival (MMFF).
Ngunit ayon sa mga usap-usapan, hindi makakasama si Will Ashley sa nasabing proyekto. Dahilan umano nito ay abala siya sa paggawa ng sequel ng pelikulang Bar Boys, at hindi rin siya pinayagan ng kanyang mother network dahil may ibang plano raw ito para sa aktor.
Dahil dito, nalungkot ang ilang fans na umaasang mabubuo muli ang buong PDG sa pelikula. Para sa kanila, malaking oportunidad sana ito para kay Will na makatrabaho ang ilang bigating artista at direktor sa industriya. “If this is true, then I really feel bad for Will. The whole PDG fam will be there except for him,” ani ng isang tagasuporta.
Gayunpaman, may mga netizens na nagsabing hindi dapat gawing isyu ang sitwasyon. Anila, dapat mag-focus si Will sa Bar Boys 2, na tiyak ding magiging malaking proyekto para sa kanya.
Sa ngayon, wala pang opisyal na kumpirmasyon mula kina Vice Ganda, sa PDG, o sa kani-kanilang management, ngunit nananatiling mainit na usapan ang posibilidad ng reunion movie ng grupo.
No comments:
Post a Comment