Umamin si Maine Mendoza na tunay siyang na-in love kay Alden Richards noon

 




Umamin si Maine Mendoza na tunay siyang na-in love kay Alden Richards noong kasagsagan ng kanilang tambalan bilang “AlDub.” 


Sa huling episode ng podcast na Tamang Panahon kasama sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, at creative head na si Jenny Ferre, diretsahan niyang sinabi na nahulog ang loob niya kay Alden—pero hindi ito nanligaw sa kanya.


Kwento ni Maine, dumating sa punto na tinanong niya mismo si Alden kung ano ba talaga ang nararamdaman nito para sa kanya. Aniya, gusto niya lang maging malinaw kahit ano pa man ang isagot. Ngunit ang naging sagot ni Alden: “Di ko pwedeng sabihin sa ’yo kasi mawawala ’yung magic.”

Ibinahagi rin ni Maine na napakalalim ng relasyon nila ni Alden off-cam, ngunit kalaunan ay nagkaroon sila ng closure at napag-usapan ang lahat. Dagdag pa niya, kung niligawan siya ni Alden noon, malamang ay pumayag siya at sinagot ito.

Para sa maraming fans, ang rebelasyong ito ay nagdala ng halo-halong emosyon—kilig, lungkot, at panghihinayang—lalo na sa mga patuloy na naniniwala sa chemistry ng tambalan. Sa kabila ng lahat, pinatunayan ni Maine na naging totoo ang kanyang naramdaman at may respeto sila sa isa’t isa kahit hindi nauwi sa totoong relasyon.


No comments:

Post a Comment

Blog Archive