Ate Gay, Blooming Sa Canada: Todo Sweet With AFAM?

 




Tila masayang-masaya ngayon ang komedyanteng si Ate Gay matapos niyang mag-post ng mga larawan kasama ang isang foreigner sa Downtown Kelowna, Canada. Makikita sa photos na sweet na sweet ang dalawa habang magkayakap sa park na may overlooking nature at lake view.


Agad itong nagmistulang “hard launch” ng kanyang love life, kahit walang direktang pahayag mula sa komedyante.



Kasama sa mga unang nag-react ang kaibigang si Allan K na pabirong nagtanong, “Nagasawa ka na?” na sinagot ni Ate Gay ng “manliligaw ko.” Hindi rin nagpahuli si Giselle Sanchez at nag-comment ng “Love life! Pak!”


Syempre, kilig overload din ang mga netizens na nagpaulan ng reaksyon:


“Ayy may pag ganyan ❤️❤️ keep safe po lage.”


“Nasa Canada pala ang forever. Sana all!”


“Invite mo kami sa binyagan soon @ategay08.”


Kung totoo man, halatang blooming at inspired ngayon si Ate Gay sa bago niyang inspirasyon sa Canada.


No comments:

Post a Comment

Blog Archive