PBB Housemates, Bumuhos ang Emosyon sa Pagbabalik ng ShuKla

 

Image Source: Screengrab from YouTube/Kapamilya Channel


Bumuhos ang emosyon sa loob ng Bahay ni Kuya nang muling bumalik sina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman, o mas kilala sa tambalang "ShuKla," para kumustahin ang kanilang mga dating kasama sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.


Hindi napigilang maluha ng final duo housemates, lalo na sina Esnyr, Mika Salamanca, at Will Ashley, nang muli nilang makayakap ang dalawa—partikular si Klarisse na kilala rin bilang “Nation’s Mowm” ng bahay. Makikitang lalong naging emosyonal si Esnyr at Will, na matagal nang vocal sa kanilang pagiging malapit kay Klarisse mula pa sa simula ng season.

Bagama’t ikinagulat ng marami ang biglaang eviction ng ShuKla duo, agad namang pinawi ni Klarisse ang mga pangamba ng kanilang fans, lalo na ang AzVer supporters, sa pagsasabing maayos naman daw ang lagay nila sa kabila ng nangyari.

Mananatili pa pansamantala sa loob ng Bahay ni Kuya sina ShuKla at ang iba pang ex-housemates bilang duo challengers sa mga natitirang housemates. Asahan na ang mas matinding hamon, emosyon, at reunion moments sa mga susunod na araw habang papalapit na sa grand finale ang season.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive