Usap-usapan ngayon sa social media ang mas astig na aura ni Kapamilya actor Daniel Padilla matapos i-post ng Star Magic ang mga litrato niya mula sa isang intimate dinner na inorganisa ng Rolling Stone PH Social Club.
Ang nasabing pagtitipon ay bilang pagbibigay-pugay kay Daniel matapos siyang ma-feature sa May 2025 cover ng isang kilalang lifestyle magazine.
Agaw-pansin sa mga litrato ang bagong hairstyle ni Daniel at ang mga tattoo niya sa braso, na nagbigay ng mas mature at masculine na dating sa aktor. Marami sa mga netizens ang nagsabing lalong "yummy" ang dating ng aktor ngayon, bagay na mas lumalapat sa kanyang bagong "action star" image.
Kahit mas naging daring ang itsura ni DJ, tahimik pa rin ang kanyang personal na buhay. Sa ngayon ay wala pang kumpirmadong bagong babaeng nadidikit sa kanya, kabaligtaran ng ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo na patuloy na inuugnay kay Lucena City Mayor Mark Alcala matapos mapansing ilang beses na raw silang namataan na magkasama sa ilang public events.
No comments:
Post a Comment