Daniel Padilla may panabla kay Kathryn Bernardo

 



Muling gumugulong ang pangalan ni Daniel Padilla sa international spotlight matapos siyang ma-nominate bilang Outstanding Asian Star sa 20th Seoul International Drama Awards para sa kanyang pagganap bilang Andres Malvar sa seryeng “Incognito.”


Ito na ang ikalawang pagkakataon na mapasama si Daniel sa prestihiyosong award-giving body sa Seoul, South Korea. Noong 2023, kabilang siya sa mga nominado sa parehong kategorya kasama sina Barbie Forteza, Julie Anne San Jose, at Dennis Trillo. Ngunit sa pagkakataong iyon, tinalo siya ng kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo, na nag-uwi ng tropeo para sa “2 Good 2 Be True.”

Matatandaang noong nakaraang taon din ay si Kim Chiu ang nanalo sa parehong kategorya para sa “Linlang,” kung saan tinalo naman niya sina Paulo Avelino at Nadine Lustre.

Dahil dito, maraming kibitzers ang nagsasabing kung mananalo si Daniel ngayong taon, maaaring ituring itong panabla o ‘alas’ laban kay Kathryn, lalo na’t tuloy-tuloy ang pag-ani ng international at local awards ng aktres.

Si Kathryn Bernardo, sa kabilang banda, ay kamakailan lamang ginawaran ng Snow Leopard Rising Star Award sa Asian World Film Festival sa Los Angeles. Siya rin ay kinilalang national winner para sa Best Actress sa Asian Academy Creative Awards para sa “A Very Good Girl,” at nanalo rin ng Best Actress sa FAMAS 2024 at PMPC 2019.

Kung pagbabasehan ang awards tally, mas marami ngang acting-related recognition si Kathryn. Samantalang karamihan sa parangal ni DJ ay music-related at box office awards — kabilang na ang tagumpay nila ni Kathryn sa pelikulang “The Hows of Us,” na kabilang sa top 10 highest grossing Filipino films of all time.

Pero sa nominasyon ni Daniel para sa “Incognito,” tila may panibagong direksyon ang kanyang career—isa na mas nakatutok sa acting prestige kaysa sa rom-com love team formula.

Narito ang ilang komento mula sa netizens:

  • “Dasurv niya talaga ma-nominate! Ang galing niya sa Incognito!”

  • “At least kung manalo siya, may pang-counter kay Kathryn.”

  • “Hindi naman siya nalaos nang mawala ang KathNiel—mas naging versatile pa nga siya.”

  • “Actually, mas nag-shine si DJ on his own.”

Sa kabila ng mga paghahambing, isang bagay ang malinaw: parehong umaarangkada sina Daniel at Kathryn sa kani-kanilang landas, at patuloy na pinatutunayan na may buhay at tagumpay beyond KathNiel.

Makakapag-uwi kaya si Daniel ng tropeo mula sa Seoul? Abangan.

No comments:

Post a Comment