Ex-ABS-CBN reporter Ryan Chua, ikinasal na sa longtime partner na si Joe-Marc Hsieh sa Bangkok

 

Opisyal nang kasal ang dating ABS-CBN news reporter at proud LGBTQIA+ member na si Ryan Chua sa kanyang longtime partner na si Joe-Marc Hsieh.


Idinaos ng dalawa ang isang simple at intimate wedding sa Bangkok, Thailand noong Hulyo 24, 2026, matapos ang halos walong taon nilang pagsasama.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Ryan ang masayang balita at sinabing hindi nila pinili ang isang engrandeng seremonya. Sa halip, mas pinahalagahan nila ang pagiging legal at opisyal ng kanilang pagsasama.

“July 24, 2026. Bangkok, Thailand. I just married my best friend!

No grand ceremony, just an ordinary day to make our commitment legal and official after almost eight years together. A simple day that became one of the most meaningful of our lives,” ani Ryan.

Ibinahagi rin niya ang kanyang pasasalamat sa Thailand, na nagbibigay ng pagkakataon sa same-sex couples, kabilang ang mga dayuhan, na legal na magpakasal.

“Marriage isn’t available for couples like us in our part of the world, so I never imagined I’d see this day.

Thankfully, Thailand—one of our favorite countries!—made it possible, even for foreigners. Here’s to spending the rest of our lives together,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Mayo 31, 2026, inanunsyo ni Ryan ang kanilang engagement. Ayon sa dating reporter, siya mismo ang nag-propose kay Joe-Marc matapos ang halos walong taon nilang relasyon.

Sa video ng proposal na ibinahagi niya sa Instagram, sinabi niya:

“He said yes!

After almost eight years of living like a married couple, we figured we should probably make it official at some point.

I’m not a romantic by nature but Chowee Hsieh is worth the occasional public display of cheesiness.”

Matagal nang naninirahan sa Hong Kong sina Ryan at Joe-Marc bago nila opisyal na pinagtibay ang kanilang pagsasama sa Thailand.

No comments:

Post a Comment