Naging mainit na usapin online ang pagkawala ng Blood vs Duty sa Netflix Top 10, at ayon sa ilang netizens, posibleng nakaapekto rito ang espesyal na pagganap ni Robin Padilla bilang Ahmad Mustapha, mentor ng karakter ni Gerald Anderson. Pangalawang beses na umanong hindi nakapasok sa ranking ang serye kaya naman marami ang nag-uugnay nito sa mga kontrobersiyang kinakaharap ngayon ng actor-politician.
Matatandaang noong inanunsyo pa lamang ang paglahok ni Robin sa serye, agad itong nakakuha ng magkahalong reaksiyon mula sa publiko. May mga natuwa dahil para sa kanila ay nabigyan ng representasyon ang Muslim community at mas naging inclusive ang kuwento — bagay na ikinatuwa rin umano ng senador. Gayunman, sa gitna ng maiinit na isyung pulitikal na kinakaharap niya, mas dumami rin ang mga negatibong komento mula sa ilang netizens.
Hindi rin nakaiwas sa usapin si Bela Padilla na kabilang sa pangunahing cast ng serye. May ilang netizens na bumatikos din sa kanya dahil sa koneksiyon ng proyekto kay Robin, ngunit mahinahon naman niya itong hinarap at nilinaw ang kanyang papel bilang bahagi lamang ng production.
Samantala, may mga kumakalat ding espekulasyon na hindi umano lubos na ikinatuwa ng Netflix ang pagkakasama ng isang aktibong pulitiko sa naturang streaming title. Ayon sa ilang haka-haka online, nais umano ng platform na manatiling neutral at umiwas sa anumang maaaring maiugnay sa pulitika, bagama’t wala namang opisyal na pahayag na nagpapatunay rito.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, marami pa rin ang nagpupuri sa takbo ng kuwento at kalidad ng produksiyon ng Blood vs Duty. Umaasa rin ang supporters nito na muli itong makakapasok sa Netflix Top 10 sa mga susunod na araw. Samantala, tumitindi rin ang kompetisyon sa online streaming at television dahil patuloy ding pinag-uusapan ang A Secret in Prague ng TV5 at The Master Cutter ng GMA Network.
No comments:
Post a Comment