Nagbigay ng matapang na payo si Marjorie Barretto para sa mga kababaihang single na naghahanap ng katuwang sa buhay. Sa isang panayam, diretsahang sinabi ng dating aktres na mahalagang maging mapanuri sa ugali ng isang lalaki bago ito pakasalan. Ani Marjorie, “Kung may makita ka ng bad temper, 'wag mo nang pakasalan.” Ayon sa kanya, ito raw ay isa sa mga red flag na hindi dapat balewalain.