Magbabalik sa free TV ang #TheWorldTonight, ang pinakamahabang tumatakbong newscast ng ABS-CBN, kasabay ng paglulunsad ng Kapamilya Channel sa ALLTV simula January 2.
Ito ang unang pagkakataon matapos ang halos tatlong dekada na muling mapapanood ang programa sa free-to-air television, bilang bahagi ng estratehiya ng ABS-CBN na mas mapalapit sa mga manonood sa buong bansa.
Sa pagbabalik ng newscast, inaasahang mabibigyan ng balita at updates ang publiko sa pinakamahahalagang kaganapan sa lokal at pandaigdigang antas, kasabay ng iba pang Kapamilya shows na mapapanood sa ALLTV.
No comments:
Post a Comment