Kalat na sa social media ang diumano’y bagong boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Agad na kumalat online ang pangalang Douglas Charles, isang misteryosong lalaki na umani ng pansin ng netizens dahil sa diumano’y “makalaglag-panty” na kaguwapuhan.
Naispatan umano sina Catriona at Douglas na magkasama habang lumalabas ng The Grove condo sa Rockwell, na nagpasiklab ng tsismis. Bagama’t hindi pa malinaw ang tunay na relasyon ng dalawa, nagsilbing sapat ang eksena upang lalo pang uminit ang haka-haka, lalo na’t kapansin-pansin umano ang kanilang pagiging komportable sa isa’t isa. Makikita rin ang matamis na ngiti ng beauty queen habang kasabay na naglalakad ang lalaki.
Sa kabila ng ingay online, nanatiling tahimik si Catriona ukol sa isyu at wala pang pahayag mula sa kampo ni Douglas.
Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens:
“Destiny na to. Cat and Doug.”
“Naka-move on na sya kay Sam. Sana siya na, para dika na ulit masaktan Cat.”
“In fairness mga pogi din ng mga naging bf ni Cat Klint Bondad at Sam Milby, tapos kung totoo man this guy, pogi din.”
Sa ngayon, nananatiling diumano ang lahat at patuloy na pinag-uusapan ng publiko kung totoong may bagong kilig si Catriona Gray.
@junxkiiee.kienzo Ganda ni catriona Gray🥰🥰
♬ suara asli - s_arip - Bawang goreng cap 2 jempol
No comments:
Post a Comment