Sen. Robin Padilla, Ipinagtanggol si Sen. Bato dela Rosa sa Isyu ng Pagliban sa Senado

 



MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Robin Padilla si Ronald "Bato" dela Rosa laban sa mga kritisismong ibinabato kaugnay ng patuloy nitong pagliban sa mga sesyon ng Senado.


Sa isang Facebook post, kinuwestiyon ni Padilla ang mga pumupuna kay dela Rosa, iginiit na patuloy namang gumagana ang opisina ng senador dahil nananatiling aktibo ang kanyang buong staff.

“Ang pagiging senador po ay hindi lamang pag-upo sa opisina at pakikipagpalitan ng tsismis sa media, o pagsasalita nang maganda sa plenaryo o pagiging pabida sa mga pagdinig,” ani Padilla.

Ayon sa mga ulat, hindi na dumadalo si dela Rosa sa mga sesyon ng Senado mula pa noong Nobyembre 11. Ang kanyang pagliban ay sinundan ng mga balitang may inilabas umanong arrest warrant ang International Criminal Court laban sa kanya—isang ulat na patuloy na nagiging paksa ng diskusyon at kontrobersya.

Sa kabila nito, iginiit ni Padilla na ang pagiging mambabatas ay hindi nasusukat lamang sa pisikal na presensya sa plenaryo, kundi sa patuloy na paggana ng opisina at serbisyo sa publiko.

No comments:

Post a Comment