Kinumpirma na mismo ng Kapamilya stars na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ang matagal nang usap-usapang may namamagitan sa kanila. Sa isang eksklusibong ulat ng ABS-CBN News nitong Lunes, Enero 19, nilinaw ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.
Ayon kay Barbie, hindi raw nila sadyang itinatago ang kanilang ugnayan, kundi pinili lamang nilang panatilihin itong pribado. “Can I just say that we weren’t hiding? We just chose to have a private relationship talaga, kasi alam namin na ayaw namin ng… even I… what people don’t know, they can’t ruin,” pahayag ng aktres. Dagdag pa niya, mas komportable raw sila sa setup na malayo sa mata ng publiko.
Sang-ayon naman dito si Richard, na mula pa raw sa simula ay malinaw na sa kanila ang desisyong panatilihing tahimik ang kanilang personal na buhay. “I agree from the beginning, gano’n talaga,” ani ng aktor. Dagdag pa niya, mas nagiging relaxed umano ang relasyon kapag hindi ito lantad sa publiko at mas iyon ang gusto nilang dalawa.
Batay sa kanilang mga pahayag, malinaw na may “something” nga sa pagitan nila. Binanggit pa ni Barbie ang naging komento ni Richard sa panayam ni Ogie Diaz, kung saan sinabi nitong “what you see is what you get,” na ayon sa aktres ay sapat nang paglalarawan sa kanilang sitwasyon ngayon.
Inihayag ang kumpirmasyon kasabay ng pag-aanunsiyo ng kanilang upcoming action-drama series na Blood vs Duty. Ayon kay Richard, matagal na raw nilang pinag-uusapan ni Barbie ang posibilidad na magtambal sa isang proyekto, kaya naman labis ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN sa pagbibigay ng pagkakataon. “Thanks to ABS-CBN, we were given the opportunity to work together,” ani niya.
Matatandaang nagsimula ang espekulasyon tungkol sa dalawa matapos kumalat sa social media ang kanilang larawan habang magkasama sa South Korea. Noong Enero 2025, binasag ni Richard ang kanyang katahimikan at nilinaw na walang third party na naganap sa hiwalayan nila ng kanyang dating misis na si Sarah Lahbati, at iginiit na walang nilabag na relasyon.
Sa ngayon, malinaw ang paninindigan nina Richard at Barbie—mas pinipili nilang namnamin ang kanilang samahan sa isang pribado at payapang paraan, habang sabay na hinaharap ang bagong yugto ng kanilang karera at personal na buhay.
No comments:
Post a Comment