Janella, Klea planong magpakasal?

 



Usap-usapan ngayon sa social media ang tila pag-amin ni Janella Salvador sa tunay na estado ng relasyon nila ng rumored dyowa na si Klea Pineda.


Kamakailan ay ibinahagi ni Janella ang ilang kaganapan ng kanilang bakasyon sa Estados Unidos, kabilang ang sweet na long drive nilang dalawa patungo sa kanilang vacation destination. Kapansin-pansin ang pagiging komportable at masaya ng dalawa sa mga ibinahaging videos at larawan.

Proud at super kilig si Janella sa mga post kung saan makikitang magkahawak-kamay sila ni Klea habang nag-i-ice skating, namamasyal sa San Francisco, at ine-enjoy ang iba’t ibang pagkain sa Fisherman’s Wharf. Hindi rin nakaligtas sa mata ng netizens ang kanilang mga lambingan na tila hindi na itinatago.

Isa sa mga pinakapinag-usapang larawan ay ang silhouette shot ng dalawa habang nasa pier dock, kung saan makikitang naka-hilig si Janella sa balikat ni Klea—isang eksenang umani ng maraming “romantic feels” mula sa kanilang followers.

Kalakip ng post ni Janella ang caption na, “Long drives, thick jackets and more munchies,” na lalong nagpatibay sa hinala ng marami tungkol sa lalim ng kanilang relasyon.

Mas lalong umingay ang espekulasyon nang mapansin ng netizens ang music background ng post na may linyang, “Maybe we got marry one day… or who knows…” dahilan upang itanong ng marami: may wedding plans na nga ba ang dalawa?

Dahil dito, hindi na raw magiging kagulat-gulat kung isang araw ay mabalitaan na lamang ng publiko na nagpakasal sina Janella at Klea sa US.

Samantala, bumuhos ang suporta ng netizens sa social media, na pinuri ang dalawa sa pagiging totoo, masaya, at inspirasyon sa marami pagdating sa pag-ibig at pagtanggap.

Sa ngayon, tahimik man sa direktang kumpirmasyon, malinaw sa mga larawan at videos na umaapaw ang kaligayahan ni Janella sa piling ni Klea.

No comments:

Post a Comment