Enrique Gil at Liza Soberano ay hindi na naka-follow sa isa’t isa sa Instagram.


Mukhang tuluyan na ngang naka-move on si Enrique Gil kay Liza Soberano, at tila burado na ang aktres sa kanyang Instagram. Ayon sa mga netizen, kapansin-pansing wala na umanong kahit anong bakas ni Liza sa social media ng Kapamilya actor.

Mula sa dating 602 posts, 151 na lamang ang natira sa Instagram ni Enrique—patunay umano na sinadya niyang alisin ang lahat ng maaaring magpaalala sa kanilang nakaraan. Dahil dito, marami ang naniniwalang tuluyan na siyang naka-move on at handa nang magpatuloy nang walang lilingunin.

Dahil dito, usap-usapan din kung ito na ba ang simula ng bagong yugto sa buhay ni Enrique, kung saan bukas na siyang magpakilala ng bagong espesyal na babae. Sa mga nagdaang buwan, ilang beses na rin siyang na-link sa iba’t ibang personalidad.

Kabilang dito ang dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell, matapos silang mamataang magkasama sa isang resort sa Bohol. Sumunod naman ang muling pag-viral ng aktor dahil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa content creator na si Andrea Brown.

Sa huli, wala namang masama sa anumang desisyon ni Enrique, lalo na’t single naman siya at matagal na ring wala sa isang opisyal na relasyon. Ang mahalaga, ginagawa niya kung ano ang makabubuti para sa sarili niyang kapayapaan at kaligayahan.


No comments:

Post a Comment