Usec. Claire, may patutsada kay VP Sara

 

Binanatan ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro si Vice President Sara Duterte, inihalintulad ang mukha nito kay “Chucky,” ang kilalang horror doll, kapag nagagalit at nagsasalubong ang kilay.


Sa isang video na inilabas noong Disyembre 26, ipinakita ni Castro ang panayam ng News5 kay VP Sara, kung saan tumanggi itong batiin si Pangulong Bongbong Marcos nitong Pasko. “Kapag galit na galit siya, pag nag-melt down, iba ang hitsura niya… Tignan niyo dito, parang ganito… Nagsasalubong ang kilay,” ani Castro sa kanyang video na pinamagatang “VP Sara, Nag-asal Bata sa Araw ng Pasko” sa YouTube.


No comments:

Post a Comment