Itinuturing na patunay ng epektibong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang promosyon ng higit 16,000 guro sa ilalim ng DepEd, isang matagal nang isyu na sa wakas ay natugunan sa pamamagitan ng konkretong aksyon.
Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, “Hindi ito basta nangyari. May malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos.”
Malaki ang naging papel ni Secretary Sonny Angara sa pagpapatupad ng direktiba ng Pangulo, mula sa maayos na paglalaan ng pondo hanggang sa mabilis na proseso sa loob ng ahensya. Ipinakita nito ang kakayahan ng pamahalaan na magpatakbo ng sistema nang may malinaw na direksyon at koordinasyon.
Ang promosyon ay higit pa sa ranggo o sahod; ito ay pagkilala sa mga gurong matagal nang haligi ng pampublikong edukasyon. “Hindi kailangang maging maingay ang pamahalaang gumagana. Ang mahalaga, ito’y tumutupad sa tungkulin nito,” dagdag ni Goitia.
No comments:
Post a Comment