‘EH ANO NAMAN KUNG BADING?’
Umani ng papuri ang aktor na si Dennis Trillo matapos niyang patulan ang isang diumano basher na tumawag sa kanya ng “bading” sa comment section ng kanyang post.
Sa halip na magalit, diretsahang sinagot ni Dennis ang komento at iginiit na walang masama kung may taong bakla. Aniya, “Eh ano naman kung bading?” sabay giit na walang dapat ikahiya at hindi ito insulto.
Marami ang netizens na sumuporta sa aktor at pinuri ang kanyang paninindigan laban sa diskriminasyon. Para sa kanila, malinaw na ipinakita ni Dennis na ang respeto at pagtanggap ay mas mahalaga kaysa sa mapanirang salita sa social media.
No comments:
Post a Comment