Sa wakas, nagsalita na si Daniel Padilla matapos umalingawngaw ang mga tsismis tungkol sa umano’y romansa nila ni Kaila Estrada!
Matapos ibulgar ni Ogie Diaz sa kanyang vlog na may namumuong relasyon daw sa pagitan ng dalawa, mas lalong nagliyab ang intriga nang kumalat ang video ng concert ni Daniel sa U.S. kung saan may sweet dedication siya para sa tinawag niyang “my love.”
Tinanong ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe kung totoo bang may jowa na si Daniel.
Ngunit sa halip na diretsong sumagot, natawa lang ang aktor at sabay sabing,
“Kain muna tayo.” 😅
Bagaman hindi umamin, tila nagbigay ng clue si Daniel na gusto na niyang ilayo sa showbiz spotlight ang kanyang personal na buhay.
“Huwag na nating i-pressure ‘yung sarili natin… i-showbiz pa ‘yun pero you get my point. Lalabas at lalabas pero ayoko lang na may naghihintay. Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari,” aniya.
Dinugtungan pa ng aktor,
“Huwag n’yo na muna kaming kulitin. Just let it be… ayoko siyang maging showbiz eh. Well, ‘di pa rin naman maiiwasan, pero may choice pa rin naman ako, ‘di ba?”
Nang tanungin kung masaya ba siya ngayon, isang makahulugang ngiti ang isinagot ni Daniel:
“Paano ako hindi magiging masaya? Eh galing lang kami sa masayang concert, andito ako ngayon sa Korea with my family, my friends, celebrating life, getting an award… So anong rason para maging malungkot?” 🌟
Samantala, tikom pa rin ang bibig ni Kaila Estrada sa isyu.
Pero ayon sa mga marites online — iba raw ang glow ni Daniel lately! 😍
Showbiz o hindi, isang bagay ang malinaw:
In love at inspired ang Asia’s Phenomenal King! 💙
No comments:
Post a Comment