Bea Alonzo, Iniintrigang Buntis! Birthday Photo, Pinagpistahan ng mga Marites!

 




Nagtrending online ang birthday photo ni Bea Alonzo kasama ang kanyang nobyong si Vincent Co, matapos itong pagpiyestahan ng mga netizen na tila may “baby bump” daw ang aktres!


Sa halip na simpleng birthday celebration, naging hot topic ito sa social media dahil sa napansin ng mga marites na pagbabago sa pigura ni Bea.

Isang X user na si @BeiAlonzo ang nagbiro sa post ng aktres at sinabing,

“Congrats it’s a Girl, Charot. Birthday surprise for Beaaa.”

Agad namang nag-react ang mga faney sa naturang photo:

💬 @ellehcar_02: “Magkakaapo—este pamangkin pala—na ba tayo?”
💬 @paolomiguel94: “Prang totoo??? Nagchubby cheeks na si Bea oh. Happy for her if totoo man. About time to choose herself na.”
💬 @blowbylow12: “Ang laki nga! Birthday blessing na ba? Naniguro na si Tita! It’s a CO!”
💬 @mimi_fyf: “Baby bump! Saka manas na siya.”

Sa larawan, kapansin-pansin daw ang pagdagdag ng timbang ni Bea—mula sa puno ng pisngi hanggang sa bahagyang umbok ng tiyan na natatakpan ng kanyang bouquet of flowers.

Gayunman, hanggang sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Bea at Vincent sa isyu. Wala pang kumpirmasyon kung may baby on the way o kung sadyang blooming lang ang aktres dahil sa sobrang kasiyahan sa kanyang love life.

Isa lang ang sigurado — happy and glowing si Bea Alonzo, at kahit buntis man o hindi, in love na in love! 💕

No comments:

Post a Comment