Patuloy na umaarangkada sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” si Will Ashley, kasama ang ka-tandem niyang si Ralph de Leon bilang bahagi ng RaWi Duo—isa sa mga nakapasok sa Big 4.
Sa darating na Hulyo 5, sa New Frontier Theater, malalaman kung sila ang tatanghaling big winner ng season at makakakuha ng P1 milyon na cash prize.
Marami ang naniniwala na kahit hindi man sila mag-uwi ng titulo, malaking tulong na sa kanilang career visibility ang pagpasok sa PBB. Ayon sa fans ni Will, deserve niyang mabigyan ng lead role sa mga teleserye ng GMA at magkaroon ng pelikula. Kilala si Will sa pagiging mahusay na aktor, kaya't umaasa ang mga tagahanga na ito na ang magiging simula ng mas malalaking proyekto para sa kanya.
Bagama’t hindi pa ina-anunsyo ng GMA ang susunod na proyekto ni Will habang nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya, kumpiyansa ang marami na meron siyang nakahandang show paglabas niya.
Samantala, isang pelikula na ang mauunang gawin ni Will pagkatapos ng PBB. Bago pa man siya pumasok sa reality show, sumalang na siya sa audition para sa sequel ng "Bar Boys" na may working title na “Bar Boys After School.” Dalawang linggo bago ang PBB, natanggap si Will para gumanap sa papel ni Arvin, isang working student na kasalukuyang naka-enroll sa law school.
Mukhang mabungang taon ito para kay Will, at kung susuwertehin pa sa PBB, maaaring hindi lang puso ng fans ang mapasakanya, kundi pati na rin ang premyong milyon!
No comments:
Post a Comment