Miguel Odron, Nagkapasa-Pasa sa Kissing Scene kay Jomari Angeles sa “Some Nights I Feel Like Walking”

 




Finalist man noon sa Idol Philippines 2019, mas lalong lumalawak ngayon ang saklaw ng karera ni Miguel Odron—mula sa pagkanta, lumipat na rin siya sa pag-arte. 


Ang full-length film na Some Nights I Feel Like Walking ang kauna-unahan niyang major acting project, kung saan gumanap siya bilang Zion, at nakasama sina Jomari Angeles, Argel Saycon, Tommy Alejandrino, at Gold Aceron.

Sa Philippine premiere ng pelikula noong Hunyo 26, 2025, inamin ni Miguel na na-scout lang siya sa social media bago mapili para sa papel. Matapos ang sunod-sunod na online at live auditions, nakuha niya ang karakter ni Zion—isang misteryosong binata na may malalim na pinagdadaanan.

Hirap sa Eksena, Pasa sa Likod

Hindi biro ang mga eksena sa pelikula, lalo na ang isa sa mga pinaka-kapansin-pansin—ang kissing scene nila ni Jomari Angeles.

“Actually, it looks really comfortable pero those are rocks,” kwento ni Miguel.
“Pag-uwi namin ni Jom, pasang-pasa kami sa likod. Gulung-gulo kami sa talahiban.”

Bagama’t hindi na niya maalala kung ilang takes ang ginawa nila para sa kissing scene, inamin niyang may ilang rehearsals ding kinailangan para sa eksenang iyon, na nagdulot ng literal na pasa sa katawan.

Pagbubunyag ng Masalimuot na Personal na Karanasan

Sa isang punto, naging emosyonal si Miguel nang maikumpara niya ang karakter ni Zion sa kanyang younger self. Inamin niyang katulad ni Zion, naging introverted din siya at may pinagdadaanan sa nakaraan.

“I’m also somebody who suffered from physical abuse… I kinda drew from those experiences to form Zion’s mannerisms, his physicality.”

Nilinaw rin niyang ang nanakit sa kanya ay isang taong malapit sa kanya, pero hindi miyembro ng kanyang pamilya.

Relasyon sa Screen Partner at Feedback ng Pelikula

Inilarawan ni Miguel si Jomari Angeles bilang “the best screen partner,” na tinulungan siyang maintindihan ang teknikal na aspeto ng pag-arte, gaya ng tamang puwesto sa camera at ilaw. Roommates pa raw sila habang nag-shu-shoot, kaya nagkaroon sila ng mas natural na dynamics on-screen.

Sa kabila ng pagiging baguhan sa acting, pinuri ng mga nakapanood ang performance ni Miguel. Ani niya:

“So far, wala pa namang sobrang nasusuka sa performance ko. People have been very kind and nice.”

Tumatawid sa Musika at Pelikula

Nang tanungin kung mas pipiliin niya ang pagkanta kaysa pag-arte, masayang sagot niya:

“Why not both?!”

Sa kasalukuyan, sold out ang tatlong screening ng Some Nights I Feel Like Walking sa RainbowQC Pride Film Festival ng QCinema—isang patunay ng mainit na pagtanggap ng publiko sa pelikula at sa kanyang bagong yugto bilang aktor.


Miguel Odron is undeniably stepping into the limelight not just as a singer, but now also as a bold, vulnerable, and brave actor—handang tumanggap ng hamon at ibahagi ang kanyang kwento sa harap at likod ng kamera.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive