Fyang Smith at Chloe SJ, Bagong Mukha ng OPM?

 


Humihirit ang mga fans at supporters nina Fyang Smith at Chloe San Jose o “Chloe SJ” na sana ay mag-collab sila sa mga susunod nilang proyekto, lalo na sa mga kanta o kaya sa concert!


Pareho kasing nag-launch ng album ang dalawa matapos pasukin ang music industry.

Naging matagumpay ang “Forever Fyang” launching concert ng “Pinoy Big Brother Gen 11” Big Winner sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City kamakailan. Naging bahagi pa nga nito si Chloe nang mag-perform siya ng isang kanta kaya masasabi na malapit sila ni Fyang sa isa’t isa.

Ginanap naman ang album launching ni Chloe sa Noctos Music Bar sa Quezon City noong Martes, Hunyo 24.

“Chloe Anjeleigh For Real” ang pangalan ng album ni Chloe na may pitong tracks at mapapakinggan sa major music platforms sa bansa.

Kinanta ni Chloe ang mga kanta mula sa kaniyang albums na “FR FR” at “Nonchalant” na nauna niyang inilabas noong Marso, pati na ang mga bagong awitin na “Iyo,” “Something Right,” “Tanim,” “Dulo ng Bahaghari,” at “Shush.”

Siyempre, present din sa nabanggit na launch concert ang kaniyang boyfriend na si two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo, kung saan dedicated sa kaniya ang awiting “Iyo.”

Ang album ni Chloe ay ginawa ng StarPop, isa sa mga music label ng ABS-CBN Music.

Kaya naman, umaasa ang mga tagahanga at tagasuporta ng dalawa na matupad ang kanilang hiling na pagsamahin sila ng ABS-CBN sa isang album, kanta, o concert. Tiyak na magiging pasabog ito!


No comments:

Post a Comment