Sharon Cuneta, naging emosyonal habang nagre-react sa pambaboy ng mga DDS sa asawa nitong na si Kiko.

 



Sa isang press conference na isinagawa ni Roselle Monteverde ng Regal Films bilang suporta sa kandidatura ni Kiko Pangilinan bilang senador sa nalalapit na 2025 midterm elections, naging emosyonal si Sharon Cuneta habang ipinahayag ang kanyang saloobin ukol sa politika.

Photo: Facebook/Sharon


Ayon kay Sharon, hindi siya pabor sa politika dahil sa mga balakid tulad ng fake news at malalaking pondo na ginagamit ng ibang kandidato, na wala naman sila. Gayunpaman, tinanong niya ang mga tao, "Bakit po ba ayaw nyong iboto si Kiko? Ano po yung mga doubts ninyo?" Ipinunto niya na may mga ebidensya silang magpapatunay na ang mga paratang laban kay Kiko ay walang katotohanan.


Bilang asawa ni Kiko at ina ng kanilang mga anak, ipinagmalaki ni Sharon ang magandang pagkatao ng kanyang asawa. Aniya, "Siguro, bilang asawa niya at nanay ng mga anak niya, ang pride namin ay yung matinong pagkatao. Wala namang perpekto, 'di ba? Lalo na sa showbiz, Diyos ko po. Pero maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin."


Ibinahagi rin ni Sharon na hindi yumaman ang kanilang pamilya sa politika. Ayon sa kanya, "Kiko doesn't have a lot, but everything he has, he gives to us. This is also his heart for the country. Di naman kami yumaman sa politika. He served for over two decades. Wala kaming inasenso. Nagtatrabaho pa rin kami."


Pinuri rin ni Sharon ang pagiging mabuting asawa at ama ni Kiko. Ipinahayag niya, "I am so blessed to have a husband like Kiko. He never hurts me and he is a good father also. He might not have a lot but he would still give everything for them. At higit sa lahat, Kiko has a big heart for the Philippines at sa lahat ng mga Pilipino."


Ang mga pahayag na ito ni Sharon ay nagpapakita ng kanyang suporta at pagmamahal kay Kiko Pangilinan, pati na rin ang kanyang paniniwala sa integridad at malasakit nito sa bayan.


No comments:

Post a Comment

Blog Archive