MANILA — Patuloy na pinapakita ng ABS-CBN ang lakas at impluwensya nito sa media industry matapos nitong muling masungkit ang pagkilala bilang Best Managed Company (Gold Winner) sa Media & Entertainment category ng FinanceAsia Best Companies 2026 poll.
Ikalawang magkasunod na taon nang natanggap ng kumpanya ang nasabing parangal mula sa prestihiyosong publication na kumikilala sa mga nangungunang kumpanya sa Asya pagdating sa mahusay na pamamalakad, leadership, at performance.
Sa ika-26 na edisyon ng survey, isinailalim ng FinanceAsia sa masusing pagsusuri ang iba’t ibang kumpanya sa rehiyon sa tulong ng mga investor, market analyst, at financial experts. Kabilang sa mga pangunahing batayan ang corporate governance, business strategy, at kakayahang manatiling matatag sa gitna ng pagbabago sa industriya.
Ayon sa FinanceAsia, ang mga kumpanyang nakapasok sa listahan ay nagpapakita ng mataas na antas ng “industry excellence,” at kabilang dito ang ABS-CBN na patuloy na nagpapalawak ng produksyon at distribusyon ng content para sa local at international audience.
Sa kabila ng mga pagsubok na hinarap ng media industry nitong mga nakaraang taon, nananatiling aktibo ang ABS-CBN sa paggawa ng mga de-kalidad na teleserye, pelikula, variety shows, news programs, at live events na patuloy na tinatangkilik ng publiko sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Mas lalo ring napapalawak ng kumpanya ang global presence nito sa pamamagitan ng digital platforms at international partnerships na nagdadala ng Filipino stories sa mas maraming manonood sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Para sa maraming observers, ang bagong pagkilalang ito ay patunay na nananatiling isa ang ABS-CBN sa pinakamalalakas at pinakarespetadong media companies sa Asya, habang patuloy nitong pinapalawak ang impluwensya nito sa global entertainment industry.
No comments:
Post a Comment