“2 GOOD 2 BE TRUE” MAKES HISTORY AS FIRST PH TELESERYE ON FREE TV IN MIDDLE EAST






Muling nagmarka sa international television ang ABS-CBN matapos maipalabas sa free-to-air television sa Middle East ang hit romantic-comedy series na 2 Good 2 Be True, na pinagbidahan ng dating real-life couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Ayon sa opisyal na pahayag ng ABS-CBN Corporate Communications, nakamit ng serye ang isang mahalagang milestone matapos itong maging kauna-unahang Philippine teleserye na naipalabas sa free-to-air TV sa Middle East.

“ABS-CBN marks another international milestone as its hit romantic-drama ‘2 Good 2 Be True’ becomes the first Philippine teleserye to air on free-to-air television in the Middle East, airing weeknights on Dubai One since February 16.”

Ipinapalabas ang serye sa English-dubbed format na may Arabic subtitles, upang mas maintindihan ng international viewers. May replay telecast din araw-araw sa umaga at hapon.

Ang palabas ay umeere sa Dubai One, na pag-aari ng Dubai Media Incorporated, isang kilalang English-language free-to-air channel sa Middle East at North Africa na karaniwang nagpapalabas ng mga serye at pelikula mula sa United States, United Kingdom, Australia, at iba pang international markets.

Matatandaang unang ipinalabas sa Pilipinas ang serye noong 2022 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5. Hanggang ngayon, mapapanood pa rin ito sa streaming platforms tulad ng iWantTFC at Netflix, na global streaming partner ng serye.

Dahil dito, muling pinatunayan ng ABS-CBN na patuloy itong lumalawak sa international market, at nananatiling isa sa pinakamalakas na producer ng teleserye sa Asia.

No comments:

Post a Comment