Nilinaw ni Willie Revillame na ang kanyang pinakabagong game show na Wilyonaryo ay hindi muna mapapanood sa TV5 at sa halip ay unang ilulunsad online sa pamamagitan ng kanyang opisyal na website na wilyonaryo.com, simula Enero 25, 2026.
Ayon kay Revillame, napagpasyahan nilang unahin ang digital release ng Wilyonaryo habang patuloy pa ang mga pag-uusap kaugnay ng posibleng free TV airing. Nilinaw rin niyang hindi ito mapapanood sa primetime slot ng TV5, taliwas sa mga naunang espekulasyon.
Gayunpaman, bukas pa rin ang posibilidad na mapalabas ang programa sa telebisyon. Kinumpirma ni Kuya Wil na patuloy ang negosasyon para sa posibleng airing ng Wilyonaryo sa Cignal TV Channel 10, bagama’t wala pang pinal na kasunduan sa ngayon.
Ibinahagi rin ni Revillame na ang pagdebut ng Wilyonaryo online ay isang estratehikong hakbang upang direktang makaugnayan ang kanyang audience habang inaayos pa ang mga detalye sa broadcast side. Aniya, mas mahalaga sa ngayon na maihatid na agad ang saya, tulong, at pag-asa na matagal nang iniuugnay ng publiko sa kanyang mga programa.
Dagdag pa niya, maglalabas siya ng karagdagang anunsyo sa sandaling matapos ang mga usapan para sa posibleng paglipat ng Wilyonaryo sa free TV. Sa ngayon, malinaw ang plano: online muna ang laban, habang unti-unting binubuo ang susunod na yugto ng pagbabalik ni Kuya Wil sa telebisyon.
No comments:
Post a Comment