Nagbahagi ng tapat at personal na pananaw ang aktres at TV host na si Solenn Heussaff tungkol sa kanyang karanasan bilang magulang, lalo na kung bakit hindi umubra sa kanya ang gentle parenting.
Ayon kay Solenn, sinubukan niya noon ang gentle parenting approach—ang uri ng pagdidisiplina na inuuna ang pag-unawa sa emosyon ng bata.
“Dati, nag-try ako ’yung gentle parenting, ’yung parang, ‘I understand you’re feeling frustrated’ and blah blah…” ani niya.
Ngunit napansin daw niya na sa halip na maging epektibo, nauuwi ito sa kabaligtaran.
“They get their own way kasi they manipulate us completely,” paliwanag ng aktres.
Para kay Solenn, mahalaga pa rin ang malinaw na respeto at disiplina, lalo na sa murang edad ng mga bata.
“So if they don’t respect you as a parent, then they will step all over you. And this is their forming years, so you really need to set the discipline. You really need to set certain things—what’s good, what’s bad,” dagdag niya.
Ibinahagi rin niya ang kanyang paniniwala sa paggamit ng time out bilang paraan ng pagdidisiplina. Para sa kanya, mahalagang bigyan ng espasyo ang bata upang kumalma at mag-isip.
“And if you are not good, para sa akin, you can go time out. Calm down when you are ready, when you’ve thought about what you have done,” ani Solenn.
Umani ng iba’t ibang reaksyon online ang pahayag ng aktres—may mga magulang na sumang-ayon sa kanyang pananaw tungkol sa balanse ng lambing at disiplina, habang ang iba naman ay patuloy na naniniwala sa gentle parenting. Sa huli, malinaw ang mensahe ni Solenn: walang iisang tama sa parenting, ngunit mahalaga ang respeto, gabay, at malinaw na hangganan sa pagpapalaki ng mga bata.
No comments:
Post a Comment