MILYON-MILYON ANG DALA SA PANANGHALIAN! #Wilyonaryo Lumipat na sa Alas-12 ng Tanghali


 





Mas pinasaya ang tanghalian ng sambayanang Pilipino dahil sa isang exciting na balita para sa lahat ng Ka-Wilyonaryo! Simula Enero 27, kasabay mismo ng kaarawan ni Kuya Wil, opisyal nang mapapanood ang paboritong game show na #Wilyonaryo tuwing alas-dose ng tanghali (12NN)


Ito ay bilang tugon sa todong request ng mga manonood na mas maagang makasabay si Kuya Wil sa kanilang pananghalian.

Mula Lunes hanggang Biyernes, sabay-sabay nang kakain at mangangarap ang buong Pilipinas kasama si Kuya Wil sa isang masayang tanghalian na may kasamang pagkakataong maging MILYONARYO. Hindi lang saya at inspirasyon ang hatid ng programa, kundi tunay na pag-asa para sa mga Pilipinong nangangarap ng mas magandang bukas.

Inaanyayahan ang lahat na mag-register at mag-avail ng tickets sa wilyonaryo.com upang magkaroon ng tsansang makasali at mag-uwi ng malalaking papremyo. Huwag kalimutang tumutok tuwing 12NN sa #Wilyonaryo, eksklusibong napapanood sa #WilTV Channel 10 ng Cignal at SatLite.

Kaya ihanda na ang inyong pananghalian, dahil simula Enero 27, hindi lang tiyan ang busog—pati pangarap, may tsansang maging milyon! 🍽️💰🎉

No comments:

Post a Comment