HINDI KO TALAGA SIYA KILALA KASI EAT BULAGA PINAPANOOD KO



Content creator na si Jessamine Concepcion ay binatikos ng netizens matapos kumalat ang kaniyang video kasama si Vice Ganda, na kalaunan ay kanyang binura dahil umano sa pambabastos.


🔹 The Deleted Video
Sa naturang clip, maririnig si Jessamine na sumisigaw at sinasabing:

“Ay si ano ‘to, artista… Si ano ‘to, artista ito… Sikat na artista sa Pilipinas. Uwu ka na ng Pilipinas? Happy New Year!”

Habang sinasabi ito, inilalapit pa niya ang kaniyang cellphone sa mukha ni Vice.
Sumagot naman si Vice nang pabiro:

“Happy New Year po! Hindi niyo nga ako kilala ate eh.”

🔹 The Video Caption
Sa caption ng video, sinabi ni Jessamine na wala umano sa mood si Vice, at pabirong idinagdag na hindi niya talaga kilala si Vice dahil Eat Bulaga raw ang pinapanood niya.

🔹 Reactions
Hindi natuwa ang maraming netizens. Para sa kanila, pambabastos umano ang ginawa ni Jessamine — hindi lang kay Vice kundi pati sa pagbanggit niya ng Eat Bulaga kahit hindi naman konektado sa sitwasyon.

Dahil sa sunod-sunod na pambabatikos, binura na lamang ni Jessamine ang naturang video.

No comments:

Post a Comment