Ang pinakabagong Nielsen NUTAM ratings para sa 8:00 PM primetime slot nitong Martes, Enero 27, na muling nagpasiklab ng diskusyon kung alin nga ba ang tunay na malakas sa panonood ngayon.
Nanguna sa naturang time slot ang FPJ’s Batang Quiapo na nagtala ng 10.0% rating, na pinagsama ang performance nito sa iba’t ibang platforms—A2Z (4.5%), ALLTV (3.5%), at Kapamilya Channel (2.0%)—patunay ng lakas ng Kapamilya content kahit hati-hati sa mga channel.
Sumunod naman ang fantaserye ng GMA na Sang’gre na may 9.3%, kung saan nagmula ang 7.5% sa GMA Network at 1.8% mula sa delayed airing sa GTV. Samantala, ang movie block na G! Flicks ay nakapagtala ng 2.2%.
Sa panig ng Kapatid Network, ang action series na Totoy Bato ay umabot lamang sa 1.2%, kung saan 1.0% ay mula sa TV5 at 0.2% mula sa One PH, na nagpapakita ng patuloy na hamon ng network sa primetime ratings.
Batay sa mga numerong ito, malinaw na umiigting ang kompetisyon sa primetime television, lalo na sa pagitan ng Kapamilya at Kapuso content. Habang nananatiling dominante ang Batang Quiapo sa kabuuang reach, dikit naman ang Sang’gre sa single-network performance.
Ikaw, mga Ka-Trending, ano ang masasabi mo?
Sino ba talaga ang malakas—single channel o combined reach? 📺🔥
No comments:
Post a Comment