Opisyal nang lumagda sa isang partnership ang ABS-CBN at Chinoy TV para sa pagpapalabas ng prestihiyosong pageant na Mr. and Ms. Chinatown Global Year 2.
Ginanap ang contract signing na dinaluhan ng mga pangunahing opisyal mula sa dalawang panig. Kinatawan ng ABS-CBN sina Cory Vidanes at Ralph Menorca. Samantala, pinangunahan naman ng Alvin Kingson Tan ang delegasyon ng Chinoy TV, kasama si Nicole Cordoves, ang Pageant Director ng Mr. and Ms. Chinatown Global Year 2.
Sa ilalim ng kasunduan, ipapalabas ng ABS-CBN ang ikalawang taon ng international pageant na naglalayong ipagdiwang ang kultura, identidad, at talento ng Chinoy community mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Inaasahang mas mapapalawak ng partnership ang reach ng programa at mas maraming Pilipino—lokal man o overseas—ang makakasubaybay sa kompetisyon.
Ang kolaborasyong ito ay isa na namang patunay ng patuloy na pagbubukas ng ABS-CBN sa diverse at culturally rich content, kasabay ng misyon nitong maghatid ng makabuluhan at inklusibong programa para sa iba’t ibang sektor ng lipunang Pilipino.
No comments:
Post a Comment