ABS-CBN at DZMM 630, Kabilang sa "Ten Most Trusted Media Outlets" sa Bansa



MANILA, Philippines — Sa kabila ng pagkawala ng prangkisa at iba't ibang pagsubok na pinagdaanan, patuloy na pinagkakatiwalaan ng mas nakararaming Pilipino ang ABS-CBN, ayon sa survey ng Publicus Asia na isinagawa mula Disyembre 7 hanggang 10, 2025.


Nasa ikalawang puwesto (№2) ang Kapamilya Network na may total high trust rate na 35%, bunsod ng maraming mamamayan na sumusubaybay sa kanilang balita at updates online.

Kasama rin sa listahan ang DZMM Radyo Patrol 630, na nakapuwesto sa ikalabing-anim na puwesto (№6, 26% total high trust rate). Ilang buwan matapos ibalik ang “DZMM” callsign sa AM, maraming tagapakinig ang tumutok sa kanilang balitang kumpirmado at sigurado, na nagpatunay na ang estasyon ay una sa balita at public service.

Kabilang sa Top 10 Most Trusted Media Outlets ang mga sumusunod:

  1. GMA Network — №1, 40%

  2. ABS-CBN — №2, 35%

  3. Philippine Daily Inquirer — №3, 31%

  4. Philippine Star — №4, 28%

  5. Manila Bulletin — №5, 27%

  6. DZMM Radyo Patrol 630 — №6, 26%

  7. TV5 — №6-7, 26% (katabla ng DZMM)

  8. Newswatch Plus — №8, 25%

  9. Super Radyo DZBB 594 kHz — №9-10, 22%

  10. DZRH 666 kHz — №9-10, 22%

Ang resulta ng survey ay nagpapatunay na kahit maraming hamon ang dumating, nananatiling malakas ang tiwala ng publiko sa Kapamilya Network at sa kanilang radyo sa pagbibigay ng mapagkakatiwalaang balita at serbisyo publiko.


No comments:

Post a Comment