Kaabang-abang ang mga mangyayari sa mundo ng telebisyon sa pagpasok ng bagong taon, dahil maraming bagong programa ang inaasahang ilulunsad ng iba’t ibang network.
Para sa mga Kapamilya viewers, exciting ang pagbabalik ng Kapamilya Channel sa ALLTV matapos pumasok ang ABS-CBN at Advanced Media Broadcasting System (AMBS) sa isang licensing agreement.
Samantala, para naman sa mga Kapatid viewers, naghahanda ang TV5 ng mga bagong palabas na inaasahang papalit sa ilang programang nawala sa kanilang lineup. Ayon sa mga ulat, de-kalibre at pinaghandaan ang mga programang ito na siguradong aabangan ng mga manonood.
Ilan sa mga seryeng kasalukuyan nang kinukunan ay ang “A Secret in Prague,” na pagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes. Hindi pa malinaw kung co-produced ito ng TV5 at ng kampo ni Enrique Gil.
Kabilang din umano sa mga inaabangang proyekto ng TV5 ang “The Good Doctor” at “My Bestfriend Emman,” na sinasabing co-produced ng Spring Films ni Piolo Pascual.
Bukod dito, ayon sa isang artikulo sa Philippine Entertainment Portal, isa pang malaking pangalan sa industriya ang kasalukuyang inaayos ang isang co-production project sa TV5—isang personalidad na may mga nagawa nang matagumpay na proyekto at kasalukuyang konektado sa ibang TV network.
Ano sa tingin ninyo, mga ka-trending—
handa na ba kayong tutok sa mga bagong palabas ng TV5? 📺✨
No comments:
Post a Comment