Mas lalo pang palalakasin at pasisikat ang TV5 Network sa pagpasok ni Mr. Jhonny Manahan bilang isang ganap na Certified Kapatid.
Kilala si Mr. Manahan, o mas tanyag bilang “Mr. M”, bilang isang mahusay na star builder na may kahanga-hangang track record sa paghubog at pagpapasikat ng mga artista sa industriya ng aliwan. Bukod dito, isa rin siyang highly creative at technically skilled na direktor sa telebisyon at pelikula. Sa kanyang pananatili sa ABS-CBN, marami sa mga programang kanyang pinangasiwaan ang naging top-rating, tumagal sa ere, at minahal ng sambayanang Pilipino.
Ito rin ang mandatong nais niyang isakatuparan sa kanyang pagpasok sa TV5. Nitong mga nagdaang linggo, pormal na siyang pumirma ng kontrata sa Kapatid Network at nagpahayag ng kanyang kahandaang palakasin at patatagin ang istasyon.
Kapansin-pansin din na bago pa man niya pormal na pirmahan ang kontrata, marami nang kilalang artista ang nagpahayag ng interes na sumunod sa kanya sa Kapatid Network. Kabilang dito sina Piolo Pascual, Derek Ramsay, Enrique Gil, Maja Salvador, Matteo Guidicelli, Andrea Brillantes, Elijah Canlas, Ana Ramsay, IƱigo Pascual, Kiko Estrada, Joanna Lara, Dylan Menor, Eian Rances, Queenay, John Arcenas, Kristof Garcia, at marami pang iba na inaasahang lilipat sa MediaQuest Artist Agency (MQAA).
Napapanahon ang pagdating ni Mr. Manahan lalo na’t mas pinaiigting ng TV5 ang pagpapatibay ng sarili nitong talent agency at ang produksyon ng mga bagong programa, kasabay ng napipintong pagtatapos ng kanilang blocktime partnership sa ABS-CBN Studios.
Inaasahang magiging trendsetter ang TV5 sa larangan ng entertainment, dahil kilala si Mr. M sa paglikha ng mga makabago at de-kalidad na programa na tiyak na aabangan at tatangkilikin ng mga manonood.
Ayon kay Mr. Manuel V. Pangilinan, Chairman Emeritus ng MediaQuest at TV5:
“We will work together to bring world-class, in-your-face stars. I don’t know what tomorrow brings, but I’ll do my best to give you the best because you deserve the best.”
Nagpalitan rin ng magagandang mensahe sina Mr. Pangilinan at Mr. Manahan. Pahayag ni Mr. M:
“This partnership feels like a natural fit for me. MQuest shares the same passion I've always had in discovering, developing, and celebrating great Filipino talent. I'm excited to collaborate with this incredible team and help create opportunities that inspire.”
Dagdag naman ni Mr. Pangilinan:
“I've known you for quite several years already, Mr. M. I'm glad that you finally found a home in TV5. We've always believed in investing in Filipino talent, their stories, their artistry, and their dreams. Having Mr. M on board strengthens that mission.”
Tila hudyat na ito ng panibagong yugto at pagsibol ng TV5 bilang isang independent television network na may kakayahang tumayo sa sariling paa—suportado ng matatag na financial muscle ng MVP Group of Companies, isang organisasyong kinikilala sa pagiging progresibo sa loob at labas ng bansa.
No comments:
Post a Comment